Friday, September 17

UPDATES

Updates lang ng buhay ko, hehe! Weekend na naman!! Ibig sabihin, dalawang araw na lang, start na naman ng workweek!! Brr.

Aklat, Aklat

No evil intent becomes successful talaga. But timely retraction of (semi)-evil intentions bring super good rewards. Hehe...ganito kasi yun. But before that, natapos ko na rin yung American Gods. Naappreciate ko sya nung patapos na. Obsession ko na tuloy makabili nung Good Omens nila ni Terry Pratchett. Brr.

Ang makulet na si Eman, feeling ata hindi ko isosoli yung Tribulation Force nya, pati bag ko sinilip kaya nalaman nya na dala ko today. Grabe, siyempre dala ko coz I will read it no! Alangan namang dalhin ko para kainin, page by page. May pasimpleng offer pa if it's okay daw to sell my books 5 and 8 of the LBS. Dream on!! Nyuk nyuk nyuk, hindi pwede!! Ayokoh!!! So anyway, my semi-evil intent that's why I rushed to Rob after office today is to grab any LBS books na wala pa ako para inggitin si Eman coz he seems so desperate in completing the series na kahit ang mamahal pinapatulan na (kahit wala na syang pambili ng FHM next month o one of those useless wrestling magazines na parang mga matadero sa palengke lang naman ang mga itsura!). Eh ang karma, super advanced. Kahit delivery day ng Booksale eh walang kahit isang LBS book!!!! Pati sa National wala!!!

So in my thoughts, I kinda spoke to whatever it is, or whoever it is, sabi ko okay lang kahit walang mabiling LBS book. Di ko naman talaga dindesire i-complete yun, ginagalit ko lang si Emanski. And the reward? Ang bilis. New cheap books. And to think, kaka-delete ko lang nung 2 sa kanila sa Amazon wish list ko kaninang lunch!! Weee!!


SECRET LIFE OF BEES - Had to choose between this one and The Life of Pi. For some reason, iniwan ko yung The Life of Pi sa wish list. Kasi pala makikita ko sya. Mwaha.

A CONFEDERACY OF DUNCES - Yay, alala ko si Chelli. She promised to buy me one kasi she saw it was on sale dun...prob lang kanino nya isasabay para i-ship dito. Mare, wag na, nakakuha na ako. Gee, super cheap pa. I read the Foreword, mukhang interesting. Nag-suicide pala author nito when he was in his early 30's lang. Tsk tsk.
DOUBLE WHAMMY - My fifth Carl Hiassen book. I find him super funny. Ang inner evil side ng lahat ng tao alam nya. Hahaha.

ANGELS - My 2nd Marian Keyes book. I enjoyed Lucy Sullivan is Getting Married talaga eh so I think I will love this one, too.

Darn, have to give up another Hiassen book, Lucky You, and two of Amy Tan's (A Hundred Secret Senses and The Kitchen God's Wife) kahit super cheap kasi mashoshort ako sa budget. Takot na tuloy ako mag-withdraw come Monday kasi babalikan ko talaga yun pag may pera ako. Grrrr...dapat magtipid pa naman ngayon kasi mahirap buhay. Grabe nafifeel ko sya...lalo pa nagbi-birthday yung mga inaanak mo tas lapit na Pasko. Mom ko naman deadma na pag ganun...syempre nga naman may work na ako bakit sya pa bibili ng pang-gift ko? Hay naku.

Sa isang linggo

Sabi ni Takano, simula sa Lunes, lagi ng makintab at mapula ang labi ko. At hindi na rin ako mag-iingay gaya ng dati. Hah, hindi noh!! Hindi pa rin ako mag-me-make up sa office at hindi ako tatahimik. Baka magkasakit ako pag hindi ako dumaldal noh. Pero..hehe...twice this week kame pareho ng color ng damit...purple nung tuesday at beige kahapon. Heehee. Wala lang. Ay ayoko na, chinechek pa naman ni Watashi everyday sa pawikan-paced na PIASI workstation ang blog ko. Hi, Wata!! Ang Book 3 ko ng True Philippine Ghost Stories!! Di ko pa nabili Book 4 kasi wala sa National!!

I so love my team

Hehe, promotor pa supervisor namen...nag-decorate na kami for Christmas sa buong office. Naaaliw lahat ng pumapasok. Nakalimutan namin na me Halloween pa pala. Di bale, just like what Eiselle suggested, lalagyan na lang namin ng spiders lahat ng Christmas balls na nakasabit. And we also have this big board for our wish list. 2 days palang kung anu-ano na nakalagay. Syempre ako majority eh books. Try ko to take a shot of the board so you can see ano mga wishes namin. Pero syempre ang the best of them all: MULTIPLE ENTRY VISAS TO CRT!

I have to be more focused and dedicated sa aking reading time. That's how shallow I am. Actually, dito naman nagmamanifest how much I love myself. Dito lang ako nasasatisfy. This is my only vice (err, aside from eating). So a "boyfriend from God" can wait. Pano kung hindi kasi sya mahilig magbasa di ba?? Away lang yun lagi. Hmmm...what the hell am I saying??