PLANO, PLANO, PLANO
if there's one person na magaling sumira ng plano, ako na yun. wee. i can plan something, as in from a to z plantsado then when i don't feel like it na, i can dump it at once ng walang sabi-sabi. i perfectly personify PAG GINUSTO, MAY PARAAN. *evil grin* i won't bother to mention specific instances because it may only crack up old wounds. i am a peace-loving person pa naman. woohoo.
if there's one thing i love to do, it's to travel. pero puro drawing yun, as in. ang pinakamalayo kong nararating, ay ang lungsod ng... makati..ay hindi..batangas naman pala lately. i used to reason out na i want to save money (or wala palang pera to start with) that's why i don't get to travel much. but it's a very lousy reason. kayang kayang gawan ng paraan kung gusto ko lang. pero yung downside ng panira sa plano ang forte ko eh. what i notice lang is that i tend to make things happen pag last minute yung decision. like the punta fuego vacation, hindi na talaga ako nun sasama kasi nga nahulog ako sa hagdan di ba, and the lure of the beach may worsen my condition (plus inggitera kasi ako talaga). pero ewan ko ba what came to me at nung kinagabihan before the trip, naisip kong sumama at magpakita na lang sa meeting place. maayos naman. isip ko minsan, baka dapat hindi ako nagpaplano. hmmmm.
sa ngayon, gusto kong pumunta ng roxas city. hindi nga. hindi dahil (sa inaakala nyong pagka-crush ko) kay sen. mar roxas. pwede ba?! well, isa yun, pero hindi naman siya pumupunta dun ng madalas ano?! i have a friend who has been telling me good things about the province. i have this impression na sya pa rin yung typical province where everybody knows everybody. ala-stars hollow, hope springs, everwood, etc...
speaking of roxas city, there's this shirt from islands souvenirs that i really looove to have. it's this shirt that says BEWITCHING CAPIZ. wala lang. aliw di ba? sadly, wala pala nun dito sa manila branches...dun lang sa roxas city. that's why i'm super thankful to my friend kathy for her offer. she will buy and ship the shirt here and in turn, ipapadala ko sa kanya yung dec-jan issue ng people asia as soon as it comes out (o, jacs sampayan, ang marketing ability ko, ultimo pagshiship ng magazine nyo sa ibang kapuluan ginagawa ko!). fair deal na yun. kathy, aylabyu aylabyu talaga.
syempre wish ko lang wag drawing ang lahat ng ito. baby steps para sa total fruition ng mga ito.