kalihim at mga pawalang kuwentang kuwento habang humahaba
ayoko pala maging secretary. to think na yung course ko daw eh para maging isang "glorified secretary". to think na nung naghahanap ako ng unang trabaho sabi ko i would like to be a secretary first before eyeing a thorny climb sa corporate ladder. no offense meant to secretaries whose job is exciting and sensitive and for some, noble.
our unit secretary has been sick for two days and i do not know where it was written na ako ang papalit sa kanya kapag wala sya. hay naku. mabuti na lang nagpapa-late ako pagpunta dun kasi ayoko ng nagoorder ng starbucks at nagdidistribute ng mga kape sa umaga. worse, ayoko ng nag-ooperate ng percolator with matching hugas sa hapon. sabi ko nga, ma-pride ako eh. you know..."prideful". muwahahahaha!!!
so namiss ko ang desk ko ng dalawang araw. pahapyaw lang akong nakagawa nung mga trabaho ko tlaga dahil naging operator ako ng buong unit with matching pagsisinungaling na wala dun ang unit chief. well, hindi naman pagsisinungaling yun kasi yung boss namin may nakasabit sa "mobile chief" sa kuwelyo nya kasi di sya mapakali sa opisina nya. minsang titigil doon, eh para makipag-close door meeting lang. tapos lalarga na ulit. pero okay sya kasi hindi mautos and hindi pasaway. pag sinabi mong meeting na, stand na sya sa unglamorous nyang swivel chair. pag sinabi mong sya na lang ang hinihintay sa conference call, madali syang sumunod. ayoko pa naman ng paulit-ulit akong nagreremind.
at dahil sa security drama dito sa office, ang secretary din ang taga-sundo sa pintuan ng mga walang access o hindi regular employees. eh ang dami noon no, labas-masok pa. pag nakikita ko ng galing sa ext **** yung incoming call, bumubulong ako na sana eh may makasabay na empleyado para hindi ko na sunduin sa pintuan. minsan pag me ganun sinasabi kong:
1. O, lalabas si Tatay (Unit chief), paglabas nya, pumasok ka na; o
2. Papunta ata dito si CG (consul general), pag papasok na, sabihin mo isabay ka.
at least, may ginawa akong paraan di ba.
okay naman yung change in environment pero sa totoo lang kuntento na ako sa maliit kong mundo dito sa communications team namin. kahit pa sabihing sa lugar na ito ng secretary nandoon ang action, minsan wala akong pakialam. eh iinit lang ang ulo mo pag may arogante. tapos wala namang mababawas sa pagkatao mo pag meron kang namiss na nagwalang aplikante pagkatapos madeny o artistang nainterview na hindi naman pala maganda sa personal.
speaking of action, i read somewhere that this person threw a fit sa isang airport. hindi si loi, wala akong paki sa kanya, pero i have to admit rude naman yung ganung ginawa sa kanya. kung napagkamalan pa syang doppelganger ni madam auring baka sabihin kong pagpasensyahan na lang. anyway, nasabi ko sa isang forum na yung nasulat na ginawa na yun nung isang personality eh parang di ako naniniwala kasi nung andito naman sya, when she learned na di pwede pagbigyan yung gusto nya eh pumayag naman (at kahit naman hindi sya pumayag, can she do anything?no. kahit maglupasay sya dyan). sumusunod sa batas, ika nga. pero merong taong hindi marunong talaga. kasi kanina, this bleep bleep columnist from PS na si PT...aroganteng walanghiya. kung pwede lang mag-deny ng visa based sa ugali, dapat ineligible na yan for life. bastos. ang yabang! eh katunog naman ng ****** sa ingles ang apelyido. akala mo kung sino. grr!!!!
so harinawa at tapos na naman ang aking stint sa pagiging secretary dahil tiyak namang magaling na ang secretary namin sa monday. babalik na ako sa dati kong mundo. though admittedly mas okay mag-surf doon sa pwestong yun.hihihihi!!!
minsan may bouts of "I-want-to-resign" ang aking emotional muscles. minsan naman i'm thinking na okay na muna ito for the time being. mahal ko na yung ibang kasama ko. yung iba lang. yung iba kahit harmonious co-existence lang, okay na ako. yung mga scenariong nagmimeeting yung isang team na akala mo nagkakasayahan lang sila yun pala madedethrone na ang militant groups sa pagpoprotesta...lahat naman may ganun di ba? akalain nyo bang tinanong ko pa kung "are they having a meeting o are they fighting?" tapos marie answered, "both!"..yun pala totoo nga. hehe. pag nalaman yan ng kinauukulan sa lunes bah, hindi ako nagsabi nun ha. una, she does not read my blog...she doesn't even know i have a blog. pangalawa, labas ako dyan. naghuhugas na ako ng kamay kasi baka mamya magturuan na naman yan naku ha. bastos ako pag inaakusahan ng mali, ireremind ko lang kayo.
so dapat pala mangilin na ngayon ano? darn, plan ko pa naman eh mag-DVD marathon, tapusin ang apat na libro at mag-ayos ng kuwarto sa susunod na apat na araw na bakasyon. at magpaplano pala nung ilocos trip na kailangan matuloy kasi nag-pass na si sandy sa baguio trip nila ni miggy to prepare for this trip. isang mahabang buntong-hininga. hindi ako papasok ngayon for the second straight time, sa aking spanish class. delinquency 101, grabe. nag-aayang magkape si rayan sa makati. ang gusto ni wency para sa role ni robert langdon eh si george clooney, sa role ni teabing eh si patrick stewart...sabi ko naman gusto ko si ralph o kahit si joseph fiennes sa langdon role at si anthony hopkins sa role ni teabing. nareceive na ni kace yung gift ko sa kanya sabi ng fedex sa lunes pa raw. wala pa rin daw sa haus si sally. hindi ko pa nasesend yung pics kay lyndsey. madali pala masira yung memory card ng cam ko kaya hindi na narecover yung pics nung party ni erielle...kaya naman pala free lang eh. at mahal pala ang memory card, tsk.
at okay yung Nina Live! na album, astig ha. sulit ang P280. pero gusto ko pa rin yung original ng love moves in mysterious ways kahit maayos naman ang pagkaka-sing ni nina. maraming remakes lately ang mas gusto ko pa rin yung original. meron kasing remakes naman na okay lang ang feeling mo sa parehong rendition. ang mga hindi ako comfortable pakinggan (PERO HINDI KO SINASABING PANGIT), eh yung how do you heal a broken heart ng kung sino man yun, yung if the feeling is gone ni kyla, at yung now that you're gone nung hindi ko rin alam, basta kinakanta sya sa hiram ata o sa save the last dance for me.
uuwi na ako.