Mainit ang ulo ko ngayon.
I'm so disappointed I want to cry. And forgive my language, please.
I don't want to dwell yet again on the technalities of this promotion. I've long accepted the fact that I cannot go up like other promotions na upon effectivity, pati position mo bago na. Wala naman akong nagawa at magagawa, kasi meron ba? Then eto na, yung ginagawa mo ng halos dalawang taon, ngayon mo lang makukuha yung pay grade na commensurate sa job description mo, tapos ganito pa.
Bakit, last year naman sabay nag-effect yung step increase at grade increase ah? Pero ngayon daw mag-e-effect kung kelan naipasa sa HR yung actual signed evaluation.. Eh puta, kasalanan ko ba yon? On time ipinasa yun ng immediate boss ko, natulog sa desk nila ng isa't kalahating buwan! Tapos affected ngayon yung retro pay ko. Gago.
Ayoko na muna nung katwiran na "na-promote ka naman" o "bata ka pa naman" o yung "tingnan mo yung bigger picture, yung opportunities na sa 'yo". Tang-ina, ang bottom line, nadehado ako talaga. Tsaka yang lintik na promotion na yan, last I reckon eh April 2003 ko pa nakuha. Hindi rin ako pwedeng sabihan ng mukhang pera kasi puta, pinag-trabaho ko yon. Hindi ko napanalunan o hiningi. Lintik na "Equal Opportunity Employer" crap yan. Hindi porke maayos ang sweldo mo sa lagay na ganito at admittedly, may prestige sa pagtatrabaho dito, hindi dahilan yun para mag-smile ka na lang kapag ginaganyan ka. Ang problema pag inapela mo yan, iipitin ka. Magagalit pa sa 'yo. Eh ano ba kung wala pa halos ten-thousand yun. Pera pa rin yun na pinagtrabahuhan ko. Kung sa mga ganyang maliliit na bagay nandedehado sila, hindi ako magtataka kung sa susunod na taon malaki-laki rin ang mamomolestiya nila sa mga empleyado.
Tigilan na muna yang mga kagaguhang "tingnan mo na lang kung gaano ka naman kaswerte kumpara sa iba" na mentality. Nakakapagod din maging positibo. Lalo na pag ganyanan naman.
Dapat ba akong magalit? Sagutin mo nga dito. Salamat.