My Year 2005 Resolutions
What a way to welcome the new year...wala akong load! Hahahahaha!! Apologies to the last batch of people who texted me last night and this morning, can't reply...huu wawa naman si Juday. Hindi ako makabili ng load kasi...bawal daw gumastos sa unang araw ng taon! Hello?! Kasi daw isang buong year na magiging spender. Ngek, e di ba inevitable naman ang paggastos 'no? Hay naku! So, love and mwahs na lang to Tita Belle, Kace, Gerlan, Geela, Ate Jacque, Mzarriz, Vivian, Ariane, Andy, Kathy A., Kathy M., Kryzzle, Eiselle at sa owner nung 09183303926 (hehe pinost ko pa raw talaga, sori, dunno you eh). Okay, on to my real post.
:: Less Starbucks. I spent more than enough to satisfy my caffeine addiction. I am a recovering caffeine addict so bawas muna. Besides, mahal sya 'no. It so hapened na ito lang ang pinakaconducive na reading place for me. Well, there's Mocha Blends and Café Nescafe pero ang bottom line ng resolution na ito is to lessen my caffeine intake, so there.
:: Work harder. Hah, that is to presume that I work hard na. Ngek. Feeling ko hindi. It's been on top of my mind that there's no sufficient motivation para magdeliver ako ng maayos. At the back of my mind, I am open to the truth na ako ang walang drive sa trabaho, I fail (or refuse?) to see the potential in what I do, kung hahanapin ko lang, makikita ko yung areas for development na naghihintay lang ng action pero..nah...parang chemistry yan ng loveteam di ba? Hindi pinipilit, kusang lumalabas. Naku ha, humahaba na naman ang entry ko basta work-related. Bleh.
:: Enroll in a post-graduate course or any certificate class. I decided to forego my UP Open University application last year due to schedule constraints; I plan to push it through this year kaso eto nga, dumating yung training sched, I have to prioritize it tapos malapit na rin yung application deadline. I really don't want to plan things point by point, sana lang ma-squeeze ko itong training and application within the next four weeks para win-win sit di ba? Otherwise, I should enroll in a certificate course, mga 7 weeks lang yun, or in a language course. Anything to increase my learning.
:: Eat more vegetables. Even if it is like a broken record, veggies are good for me, I know. Bakit, I'm slowly learning to love green leafy vegetables naman ah? Nakakasurvive na ako ng caesar's salad for a meal, yung mga gulay sa nilaga ang sinigang, kinakain ko na rin...hindi ko pa lang kaya yung pinakbet at chopsuey. Oh please. Give me more time.
:: Read more books. Hah! I plan to topple my 51-book record in 2004. Not sure about the buying part kasi madami na naman akong naka-queue to be read. I just love it. Lock me up in a bookstore for a week (with food naman ha) and I won't feel a bit bored. Baka humingi pa ako ng extension, wehehe.
:: Go out more. This means going out with people, to meet new ones, to reconnect with old friends. It may conflict with my reading sched pero 365 days naman ang isang taon eh. Maybe I was conditioned lang na I'm not a real outdoor person kaya wala rin akong drive to go out (plus, magkaroon ka ba naman ng 9 pm curfew, uhmm...). Siguro I'm just lazy to get my ass up and literally go places. Another thing, hindi naman ibig sabihin ng lumalabas lagi eh super gastos. Proper management lang ng pera, hindi naman lahat nabibili eh (kasi nahihingi..haha!).
:: Engage in a sport. Corollary to going out more. Pwedeng sport, or kahit the good ol' gym session, pwede na. Anything to stretch my muscles and disturb my sleeping fats. I am thinking of street or belly dancing pa nga eh, if only I could find a class sched to suit my working hours. Ayoko naman mag-yoga kasi sa reading lang talaga ako nakakaconcentrate eh, yung oblivious na sa tao at bagay sa surroundings. Pag yoga baka matawa lang ako lagi.
:: Don't gossip. Okay, mahirap tlaga 'to gawin. Pero this year, keep my mouth shut more often. Kaya nga naimbento ang reaction na "uh-huh" di ba? Wala pa naman akong situation na pinagulo pero may ilang beses na oops..malapit na, buti na lang may konti akong alam sa damage control! Filter the words that come out of my mouth. Open my ears then ipunin lahat sa sarili ang mga nalalaman. Marunong naman ako nung sining ng mukhang inosente eh. It may actually do me more good pag ganun. Di baleng walang alam sa tsismis basta wag lang mapapagbintangang accessory. I am not a risk-taker so something like this should be workable for me.
:: Watch movies. I mean in theaters. Iba pa rin ang thrill ng nanonood sa sinehan di ba? I only watched 3 movies lang ata this year sa cinema house eh. Feng Shui, Now That I Have You atsaka Happy Together, hahahahahaha!!!!! Pero it does not mean na hindi na ako bibili ng pirated DVDs...syempre yung mga past films na hindi ko nga napanood, yun na lang ang bibilhin ko. I'll try hard to change the thinking na "Ayoko manood ng sine, iintayin ko na lang sa DVD". In lieu of a reading time, pwede namang gawin after office; depende sa film, it could provide relaxation na rin after a day's work di ba?
:: Save money. Now, this may seem contradictory to the plans I have above. Halos lahat yan nag-eentail ng gastos. Naku, dapat talaga nag-se-save!! I will learn to scrap the unnecessary spending, wag na bilhin yung mga bagay na obviously I CAN live without. Tita Beth told me na di ba when we have money, we spend tapos yung natira yun ang isesave? The opposite will work well daw; when you have money, save something na, preferably an amount na pang-ipon tlaga then work around the money na naiwan sa'yo. Yun na ang ibubudget mo and forget about what you saved unless you need it na. Kasi nga pag yung natitira ang isesave, you tend to spend it din dahil dun sa "hanggat may nakukuha sa wallet/bank account" mentality eh.
Whew, tough luck ba? Well, let's see in 12 months kung successful ba ako. Happy new year ulit!