Wednesday, January 5

To be More Compassionate

I snap easily lately. I deal with different (and difficult) people everyday and I must have gotten used to them already, right? But I have not. Siguro depende sa mood. May araw na mabait ako sa kausap ko, may days, like today, I almost tell them to just get on with what they wanna say!

Pero yung guilt dawns after you hang up the phone. Most recent example (the number of which I already lost count...bad talaga ako today):

Caller: Ma'am, (after what seemed like an eternity of asking if she's blacklisted) sana wag mo naman sabihing makulit ako ha...

Me: Eh, makulit nga ho kayo eh, nasagot ko na ho yung tanong nyo.

See? Siguro I have to realize na for an outsider, there are technicalities that take a while to be understood.

Or minsan, kelangan lang tlaga ng common sense. Tapos yung iba pa, they are waiting kasi to hear something specific from you kaya as long as your reply is not favorable to their ears, hindi ka titigilan kahit sinagot mo na yung tanong nila. Ipipilit na ang dapat na sagot eh yung gusto nilang marinig.

Whew.

Iba pa yung mag-eemail ng isang nobela pero magpapa-reconsider lang pala. Yung magme-mail ng sulat sa isang magandang stationery, mumurahin ka lang pala kasi di binigyan ng visa yung gelpren nya sa internet. Merong nagfafax ng may tone of desperation pero walang ibinigay na kahit anong contact numbers...yung pinanggalingan pa ng fax e "RCPI" o kung galing sa U.S. e "Kinko's". Tapos tatawag yan sa iyo magagalit at hindi ka sumasagot sa pinadala nila. Saan ka naman nyan lulugar di ba?

Yung mga endorsement letters naman ng U.S. senators at representatives na may 1-day deadline, obvious na tinatamad ng mag-explain yung caseworker kaya i-aattach na lang yung sulat ng constituent. Dito naman sa atin, hindi ka titigilan ng staff, hanggang sa feeling close na sya sa'yo, na tipong ineexpect nya na pag pinickup mo yung handset, alam mong siya na yun.

Hay.

But I love what I do. I may not like the standard of our personal relationships pero I can live with work itself.

Buti na lang may remnants pa ng kilig today kasi..mayn, I said it na awkward to be kilig icons sina Mar & Korina pero mapapa-awww ka talaga with matching tagilid ng ulo sabay beautiful eyes habang pinapanood mo silang nagpapakaseryoso pero kinikilig din when asked about each other. They were named Pipol of the Year in Ces Drilon's Pipol show.