Rambol Rambleengs
... Hindi daw namin sinasamantala ang pribilehiyo ng libreng bakuna para sa...uhm..flu - ano ba yon sa Tagalog? Kaya ayan, sa Biyernes, magpapabakuna na naman kami. Ayoko pa naman dun sa nurse sa clinic namin, nasasaktan ako mag-iniksyon. Hmph.
... Late ako dumating. Kasi hindi ako nakatulog doon sa mga kinuwento sa akin ni Kathy na nangyari involving native picture frames and furniture furnishings.
... Ngayon ko lang nalaman na euro na pala currency sa Spain. Nagbabalak kasi ako mag-bakasyon sa Madrid (o, say mo?)...hahahaha!! Kala ko "pesetas"...watdap!
... Ang daming trabaho ngayon ha. Over. Kahit na nahawa na sa pagbo-blog si Job at Ronald, okay pa din naman ang buhay dito sa opis. O ayan, nag-aaya ng umuwi ang boss ko. Kasi nasilip na naman nya siguro na andito pa ako kahit past office hours hindi para mag-overtime kundi para mag-update ng blog. Oo nga naman.
... Wala pa yung cable ko na may fiscal data. Wala akong pera gagamitin paalis at yung tiket ko hindi ibibigay ng Northwest. Nyak. Hahaha! although sabi ni Ms. Rupp eh na-clout na. Napapraning na ako.
... Makikita ko ulit si Bam at Jazz sa Sabado. Naks, ang dalawang kaibigan ko nung kolehiyo. Isang Kapuso, isang Kapamilya. Baka magsabunutan yung dalawang yun. Hahahaha!
... Di na ako nakapanood ng Kung Fu Hustle. Kasi naman yang...hmph...KASI NAMAN YANG OPIS NI VICE MAYOR *TOOT* EH! Feeling importante. Ni hindi ko nga sya kilala 'no! Makasalubong ko sa Robinson's yan di ko pa makikilala yan eh. Hay naku. Inis.
... Gusto ko ng fishballs. Wee. Kagabi bumili ako eh, after how many months na ata. Sarap. Okay na hapunan. Hehe. Iba pa rin tlaga yung nabibili sa labas eh kesa yung binibili sa grocery tas iluluto lang sa house. Iba tlaga. Yumm.
... Si Tita Ditos hindi na sinoli yung gelstick ko kaya balik ako kay Elmer('s glue). Nasa paggamit pala yan. Ngayon, mas gusto ko sya dahil hindi na sya messy gamitin...user problem yung dati eh. Basta ngayon kelangang ingat na ingat ka lang. Pero andun pa din yung pag nalagyan ka sa kamay tapos kinuskos mo, nagiging parang nagpe-peel na libag. Hahaha, yakee.
Uwi na 'ko.