Monday, June 13

apathetic

=originally posted in my xanga dahil nag-iinarte at tinotopak ang blogger nung nasa mood akong mag-type...

(Hay, dapat tatapusin ko yung inuwi kong trabaho pero as usual, tinamad ako. Sabi ko kunyari sa sarili ko papasok na lang ako ng maaga bukas para matapos sila, para pag simula na ng official time, all systems go ako kasabay ng ibang staff ko. Siyempre, ginago ko na naman ang sarili ko.)

Anyway, naisip ko nung Friday na ako eh nilikha talagang isang mababaw na tao. Yung hindi mo pwedeng isabak sa mga intellectual intercourse na ang mga paksa ay demokrasya, politika, ekonomiya, o kahit simpleng tungkol sa buhay at kamatayan. Parang gamay lang ako maging opinionated sa buhay ni ___________. Kawawa ba ako pag ganun? Paano pag masaya naman ako?

Ang apathetic daw kasi yung walang pakialam. Well, may pakialam naman ako, hindi nga lang tulad ng level ng pakikialam ng tao sa ibang bagay. Baka naiinsecure lang ako...na yung isang mundong gusto kong maging bahagi, not as a player but as an observer and hopefully, an opinion-molder, eh hindi ko mapagtagumpayan. Kahit man lang entry-level ba.

Nagtapos ako sa UP pero parang wala akong paninindigan. Parang wala akong matigas na opinyon tungkol sa mga bagay na dapat eh aware ako. Regardless of whose side I'm on, ang bottom line doon eh yung meron kang paninindigan, no matter how unpopular your choice might be. Ako parang walang ganoon eh. Kasi nga, wala akong pakialam. Ang masakit minsan tanggapin eh yung gustung-gusto kong makialam pero parang walang may sense na lumalabas sa bibig ko, na turo ng utak ko. Normal ba yun?

Teka, paano ba nasusukat ang pagkakaroon ng pakialam ng isang tao sa nangyayari sa Pilipinas? Sa mga attendance mo sa nagdaang EDSA? Eto, subok lang. Sa palagay ko, malayong malayo ang EDSA 1 doon sa dalawang sumunod. Dun sa pangalawa, ang ikinapareho lang nila e may umalis na namumuno at napalitan ng bago sa pamamagitan ng di marahas na paraan. Yun lang. Yung pangatlo...errr...hindi sila magka-liga. I feel that the spirit of EDSA 1 has long been damned ever since people got used to bringing to the streets whatever dissatisfaction they feel about the present government. Uy, opinyon ba yan?

Mai-share ko lang, yung tatlong "EDSA People Power" na lumipas eh dumaan lang sa buhay ko ng basta ganun. Wala akong vivid memories na naging bahagi ako noon, not that I wish meron...well, if only to create a more solid foundation of what I should stand for, baka pwede na.
Yung EDSA 1 (naku pwede bang People Power na lang), isa akong walang muwang na bata noon sa Bago Bantay, Quezon City. Wala ako ni isang alaala ng nangyari. Ang mga magulang ko naman ay hindi ganoon ka-keen na mamulat sa kasaysayan ang anak nila kaya wala silang gaanong kuwento na kung meron man, eh tulad na rin ng nasa textbooks ko nung nag-elementary ako.

Nung pangalawa na, college na ako noon. Nanonood ako ng impeachment trial kasi ang curfew ko noon ay alas-sais ng gabi at natanggap ko na ring substitute ng Balitang K ang impeachment proceedings. Live ko ding napanood yung pagboto ng 11 senators para wag buksan ang envelope at siguro nga, may bahagi ng pagiging Pinoy ko yung napamura ako nung ngumiwi si Justice Davide sabay sambit na, "The 'No' votes have it." Nagsimula ang text barrage noon na mag-itim daw bukas pagpasok at kung pwede nga eh dumiretso na sa EDSA. Ang pakatanda ko, hindi ako nag-itim noon dahil hindi ako mahilig sa itim na blouse (so halos wala akong damit na ganon) at hindi rin ako pumunta sa EDSA. Nung ikalawang araw na at parang na-predict na papadami na ang taong nagvivigil sa EDSA, pagkatapos ng Debate class namin, sugod ang mga kaklase ko sa EDSA; de sasakyan pa nga yung iba eh. Hindi ko pumunta kasi,

1. Malapit na ang exam week noon at isang makapal na reading materials ang dala ko. Hassle yun na nag-rarally kayo tapos may bitbit kang ganun, at

2. Birthday ko yun. Enough said! Kaya habang kumakapal ang tao sa EDSA, ayun at dalawang beses pa namin pinanood ng barkada ko ang Remember The Titans ni Denzel Washington pagkatapos naming kumain sa Kenny Rogers. Kiber. (Pero ang isa sa kasama ko noon sa loob ng sinehan ay ang barkada kong namamayagpag na tagapamahayag ngayon ng
Bulatlat. Si Aubrey Makilan po !)

So yun, nung nag-resume ang klase, bago na ang pangulo at nakita ko pa syang iniinterview ni Korina Sanchez, PGMA's very first, na sa halip na seryosohin ang mga general plan of action nya eh mas nag-enjoy akong tingnan si Korina na malaki ang eyebags at nangangalirang ang buhok at obviously eh di pa naliligo, tulad ng lahat na nagcover ng pangayaring iyon. Natatandaan ko pa yung mga posters sa CAS ng UP na, "President Arroyo, the presidency was given to you in a silver platter. We will be watching you!" At yun nga, apat na buwan pa lang sa puwesto, gumulo na kaagad.

Yung ikatlong event na nagkataong nagtipon-tipon lang sila sa EDSA ( hmmm...), nasa bahay lang ako noon. In fairness to me, ako naman eh nagpuyat din doon at sinamantala ang pagkakataon para matapos ang group project namin sa Statistics class (ni Sir Javelosa na napagtanto kong kamukha ni Jamie Kennedy) habang kumakain ng V-Cut at Magnolia Mango Juice (o, tanda ko pa yan!). Alert kami noon dahil nakatira kami malapit sa MalacaƱang at Pandacan Oil Depot, eh di ba nga at pumaligid doon yung drone of drugged supporters na nanggulo at nagbasag sa Avenida at Legarda, at kung saan saan pa?

Pagkatapos noon, nag-eleksyon, wala rin akong pakialam. Carry lang. Hanggang sa religiously na uli ako nanonood ng balita dahil may paborito akong newscaster pero hindi pa rin sapat yun. Nung naging bahagi nga ako ng election observer's team ng pinatatrabahuhan ko nitong 2004, wala man lang excitement sa buto ko na "I'm part of a relevant democratic exercise!"

Wala.

Ang goal ko lang nung bilangan eh tingnan kung lumalamang agad si Mar Roxas. Na yun nga nanalo naman kasi, (naku, nag-type na ako ng apat na dahilan kung bakit pero binura ko...baka may sumama ang loob eh!>>> Ayan...ganyan siguro ako...sa kakaiwas makasakit o maka-offend, kahit wag na lang sabihin ang nasasaloob, hanggang sa masabihang walang opinyon at all!)

So...ano, may nasabi ba akong substantial man lang?

Hay naku, to console myself at para hindi naman ako sobrang nakaka-disillusion sa paningin nyo, siguro may mga opinyon rin ako na di lang naeevoke dahil walang nag-eevoke at, well, hindi ko lang talaga type ipagsabi. Kaya nga sana, gusto kong maging part ng isang grupo, yung think-tank ba, para ganahan naman ako. I don't want to think na bobo ako, hindi naman siguro. I must be hanging out with a crowd that's not conducive to express heavy ideas. Ang kaso kasi, I derive happiness and siguro satisfaction na rin with that crowd kaya I find it hard to deviate. There is nothing with that crowd, iba lang sya doon sa gusto kong tahakin. Susubok ako, at kung hindi ko kayanin, okay lang din.

'Yun lang .

~
May masasabi ka ba?
Dito na lang.