Monday, March 6

day 1 down

i started this weekwith high hopes. sana lang wag mag-bzzzt soon enough ha. anyway, the regional conference started today and even if major snoozefest yung ibang presentation, the breakout session in the afternoon was great. i've long tried na pigilan ang pagiging epal sa mga conferences na ganyan pero if there is something na alam kong worthy naman malaman ng iba, gumo-go naman ako. sa trabaho namin, it's a treat meeting colleagues from other countries. bukas talaga pipilitin ko naman makapunta yung 2 sa amin. ewan ko ba kasi bakit parang tindahan ng alimango sa office eh. syemre walang aamin pero it's reeking of, "lugi naman, kung pupunta sya, bakit kami hindi...so kung hindi makakapunta yung iba, wag nalang lahat". again, wala namang aamin pero ganun yun eh. ako wala na ako pede ireklamo dahil yung limang araw ng conference, sinabihan na akong pupunta, pero iba yung sukdulan tlagang madamot. hindi ako ganon. gusto ko kung anong nakikita ko, makikita din ng iba. kasi syempre pag nagkuwentuhan later, walang makakarelate sa akin kung ipagdadamot ko yung opportunity di ba?

well, masaya naman ang unang araw ng conference na bumabaha ng libreng matapang na kape, kahit no-host lunch ang drama nya. masakit naman tanggapin na hindi na rin dapat ako manloko na 20/20 ang vision ko dahil ang obviously, hindi na. masama ang loob kong tumingin sa mga salita sa projector screen na para na lang mga dikit-dikit na overcooked noodles. masaya naman, sa kabilang banda, makinig sa experiences ng mga kasamahan mo sa ibang bansa. no offense, pero tlagang ang laki pala ng abante natin sa ibang bansa sa pagsasalita ng english. given na maraming nag-va-vanishing act na mga salita sa isang sentence, naiintindihan naman kasi keywords yung natitira. mahirap tlaga pag yung mismong salita hindi mapronounce ng maayos kasi ang dila eh bound ng kasanayan sa sarili nilang wika. anyway, hindi naman yun ang mahalaga. ako eh naintindihan ko naman yung kinuwento nila kahit admittedly, nakitawa ako don sa ibang parts kasi lang tumawa din yung iba kahit wala naman akong naintindihan.

narealize ko din na wala akong kuwentang magbenta ng pilipinas. kausap ko yung isang kasama namin galing bangkok, at kung ako eh maraming nasabi sa kanya tungkol sa lugar nya dahil galing ako dun nung isang buwan, nung ako tinanong nya kung saan sila pwedeng maglibang ng anak nyang 8 years old...hala wala akong nasabing pedeng puntahan. eh kasi may compulsory tour na sila sa intramuros at ibang bahagi ng maynila. akalain nyo bang banggitin ko ang manila zoo. manila zoo? hindi paglilibang ang madadama mo doon eh. awa! madudurog ang puso mo sa kalagayan ng mga hayop doon. eh kahit doon sa kinder zoo nila mabibitin ka pa rin...at isa pa, maayos ang zoo sa kanila sa bangkok! nag-sugggest pa ako na mag-venture out naman sila sa makati...uhm, oo mismong mga american bosses namin na rin ang nagsabi na okay tlaga dito ang malls pero errng...kakakuwentuhan din lang pala namin kung gaano rin kaganda ang mga bagong malls nila don! tanga tlaga. kasi naman syempre top-of-mind answers yon. hindi ko na naisip na, "pumunta ka sa bohol!" o di kaya, "yung mga world heritage edifices sa ilocos, puntahan nyo!" kasi baka naman sagutin ako ng, "kaya ko bang gawin yan ng 3 hours, balikan?"

bahala na,babawi na lang ako sa ibang araw na makikita ko sila. bukas, bagong pakikibaka na naman. balik trabaho. sige na, tinatanggap ko na, i'm fated to do this until dumapo ang isang mariposa (atsaka ko gagayahin ang ginawang pag-amin ni rustom padilla).

kaya ako ganito kasi kakatapos ko din lang basahin ang stainless longganisa ni bob ong. ako eh never nag-expect salahat ng libro nya kaya wala akong masasabi na maganda o pangit. basta sa bawat pagsarado ko ng librong sinulat nya, lalo na itong huli, napapasabi ako sa sarili ko na, "oo nga ano?" ay, basta. mahal ko na si bob.

~
congratulations nga pala kay philip at kay reese! di ko na kayo napanood. salamat din kay cece kasi walang patumangga ang oscar's updates nya (tinamad na rin akong panoorin yung re-run sa channel 9 at star world eh, napanood ko na naman kasi yung red carpet interview at pag-present ng award ni jennifer aniston).