Sunday, August 29

Sabi Nila...

"Watch her closely..."
- anonymous, ayoko mawalan ng trabaho 'no?

"How can I watch her closely...pa'no na ako magfi-Friendster?"
- ako po

"Watashi, kung tayo na lang ang natitirang tao sa mundo, magpapa-c*** c*** ka ba sa akin?"
- Mark Takano

"Kung after a year, pareho pa din tayong single, tayong dalawa na lang."
-Mark Takano ulit

"Ayoko 'no!!"
- ako po

"Tinanggihan mo sya?"
- super obsessed sa Japayuki fashion

"Oo naman 'no!"
- ako at si Eizilla

"Bwiset kayo, puwes, kung tayong tatlo na lang ang natitira sa mundo...at isang baka..."
- Mark Takano, unfinished statement dahil ako at si Spongebob ay hindi na tumigil kakatawa

"Nung tinanong nga ako ng 'Where do I put this?' baka naman naghahanap sya ng basurahan, eh tinuro ko sa ibabaw ng desk mo, at kinain naman natin!"
- Spongebob, matapos makadiscover ng mold sa putong bigay ni Mr. Kayumanggi

"Feel free to approach me if you have question."
- anonymous, one of her many patawa statements

"Oh, kaya mo yan..pano kung marami kang tanong, e di iisa-isahin mo ang paglapit sa kanya?? Eh pano kung sabi nya 'if you have questions' eh iisa lang ang tanong mo?"
-Eizilla

"Kalangan mong ipunin ang mga tanong mo bago mo sya lapitan."
- ako po

"Bakit, meron bang nakalagay na sign na bawal pumasok ang tubig sa Embassy?"
- my Mom, sundot sa statement kong, "Would you believe, binaha nga rin dito sa loob ng Embassy?"

"Natural, bawal silang pumasok, kailangan muna nila ng visa."
- ako po, pang-asar lang

"Tingnan mo, kamukha ni Mar Roxas si Alf."
-ako po

"Akala mo naman kung sino kang maganda."
- kaibigan kong iiwan ang kanyang asawa at anak kapag nag-propose ng kasal si Jericho Rosales sa kanya

"Di ba sa FEU ka? Bakit maka-Blue Eagles ka?"
- ako po, to Spongebob

"Eh bakit ba?"
- Spongebob

"Social climber ka. Palibhasa malapit ka sa Katipunan, feeling mo Atenista ka na?"
- ako po

"Ha? Ano? May opinyon ka?"
- Mark Takano, tugon kay Spongebob na biglang humihirit na lagi namang wala sa timing

...at eto, naspeechless ako dito...

"Tara na Judith, mag-resign na tayo, wala na tayong gagawin!!"
- Emma Noel, sa kalagitnaan ng meeting with the staff, and the omnipotent demigoddess