Thursday, June 3

SPYWARE, BP, BOWLING, XDA, ETC.


Mga bagay na naglalaro sa isip ni fearless_bounce:

:: may spyware o adware ang computer ko. ewan, wala naman akong dina-download na kahit ano maliban sa hangaroo at ym. lahat pati kazaa tinanggal ko na, 100 years pa din mag-browse. tulungan nyo ako kung pano ko matatanggal ito, nakakabad trip eh.

:: ang aking blood pressure kaninang umaga ay bumaba sa 90/70. siguro it has been that way since monday. hindi ko ito pwede sabihin sa mom ko kasi babalik yun sa akin at for sure sasabihin nyang, "O, anong sinasabi ko sa 'yo??! Sige, magpuyat ka pa ng magpuyat kaka-chat!"

:: since hindi ko maipaalam dito sa bahay, mag-u-undergo ako ng iron enhancement diet para hindi na ako madalas nahihilo. kanina, napagtripan na nila ako sa seafood wharf at pinakain ng santambak na tahong in butter. hindi na nila ako napilit sa liver steak. eeww..that's kinda too much (with the signature kris aquino accent) na.

:: bowling tourney na uli. syemaks, memories. kay eric...si joy, kay polly. sheesh. isang taon na pala yun. pero this year, kasali na ako. EVAF team ha..hmmm. corny pero okay na. to make bawi for my delinquency to the 2nd degree, pumayag na akong maging secretary ng committee. isang payo lang ang binigay ng maraming tao pagkatapos ng meeting-- "wag mong gagawin yung minutes (of the meeting). hayaan mo sya. mabait yang si *toot* pero may tendency yang alipinin ka sa planning. buong legwork iyo." okay.

:: di pa babalik si teng. magsisimula na tourney sa july 6, wala pa akong coach. *sigh with matching tears from the left eye lang*

:: umatake na naman ang pagka-inggitera ko. hindi ko na matanggal ang paningin ko sa XDA ni rene. si mark daw bibili din. sige, magbilihan kayong lahat. pag marami na ang may XDA, magmumura na yan sa market. yehey.

:: dalawang press releases, flowchart revisions, 3 sulat sa senador, 2 sa DFA, 2 sa DILG, 2 sa US senators, 17 revocation, 3 fingerprint memo, 4 na call-in, website revisions, call-out tracking ng cable, 1 pending meeting sa hsbc, 2 advisory opinion, 4 na send-off cards...and to think na biyernes na bukas. naturalmente, sa lunes na matatapos ang iba sa mga backlog na ito.

:: snickers almond bar. hindi nga nag-hapunan, umubos naman ng isang bar. engot.

:: "I want to thank you for being with me, for spending this last several months over the year with me, taking time to discover each other, because in the end that’s all anybody can really ask for..."

:: naisip ko kung ano kaya ang paboritong pelikula ni mr. palengke? hehe, sabi ko, siguro, TINIMBANG KA NGUNIT KULANG. mwahahahaha!!!