lutang
akala ko magaling ako magsulat. kasi naman mula bata ako, tuwing matatapos ang isang kalokohan ko sa pag-iimbento ng mga scenario at matapos ko itong maisulat, sasabihin nila, okay daw ang imagination ko. pero naglaho na yun unti-unti. what could possibly went wrong? kulang siguro sa praktis? i never had any solid writing practice since...no, not college, dahil lutang na rin ang mga composition ko nun. isang short story ko lang ang nabigyan ng A ni prof. agbayani, fantaserye pa ang tema. nung high school siguro, lalo na nung mga panahong crush na crush ko yun..sino nga yon? si angelo bontogon.
hay naku, buhay. if you ask me now kung ano ang interes ko...baka wala akong masabi. kasi lutang nga lahat. parang puro plano. magsusulat ako. magbabasa ng interesting na libro. magmu-movie marathon. mag-aaral uli. pero wala din. minsan may mga idea na papasok sa isip ko habang nakasakay ako pauwi...tas pagharap ko sa computer o pagbuklat ko ng journal ko, wala na lahat. yung libro, bumibili lang ako ng bumibili, halos di ko din naman nababasa. minsan, naiisip ko na baka hindi ko talaga gusto magbasa---baka gusto ko lang patunayan sa sarili ko na since kumikita na ako eh hindi ko na sila papatawarin!
at sa isyu kung bakit wala na akong confidence at interes magsulat...hindi ko rin alam. lutang nga utak ko eh. sana bumalik yung panahon na meron akong napagtutuunan ng tunay na pansin..yun bang magkakaroon ka ng passion na gawain na yon. ngayon kasi, lutang nga ang buhay ko.
ito ang nagagawa ng nilalagnat pero nasa opisina at nagta-type habang lunchbreak.