iba pang musings ngayong linggo naman ng hapon
1. pag sumakay ng taxi, tonohan kaagad ang political preference ng driver lalo na kung nakikinig sya sa AM radio pagsakay mo. magsimula sa comment na, "ang gulo talaga ng pulitika". syempre magcocomment yan kaya matutugunan mo na ang gusto nya. yung nasakyan ko ngayon, diretso. sabi nya, "so gloria ang iboboto ko!" o di ba. mabuti na lang, dahil kung si fpj ang iboboto nya, baka masuka ako habang tumatango-tango sa mga pinagsasabi nya para lang hindi nya ako iligaw o ibangga kung saan man.
2. mas mahal kumain sa foodcourt kesa sa regular fastfood chains. oo nga't mas maraming pagpipilian, parang hindi pa rin sulit kung minsan.
3. dapat deadma lang sa mga naglalampungan sa pila sa ATM. kahit tinatama-tamaan ka na ng mga naghahabaang braso o tumataas na hita, deadma lang. baka sabihin naiinggit ka.
4. hindi dapat patulan ang batang makulit..again, sa pila sa ATM. may mga batang likas na maldita kahit pangit naman. yung tipong pag tingnan mo lang e didilaan ka. kahit gustung-gusto mo nang pilipitin ang leeg nya, keep your cool! mas bata yun. tumingin na lang sa malayo.
5. isa sa pinakamasarap planuhin ay ang hindi pagpasok sa lunes. how comforting.