mga mahahalagang points ngayong sabado
1. habaan ang pisi. kahit ginagalit ka ng blogger, magpasensya.
2. wag pipiliting mag-OT kung inaantok. voluntary naman yan eh. minsan nga lang voluntarily mandatory depende sa mood ng amo, pero ang bottom line? pag hindi kaya ng talukap ng mata, wag na ipilit. isang libo't kalahati lang yan.
3. uminom ng maraming gatorade. lalo na yung tropical fruit ba yun. sarap!
4. pagkatapos magpakahirap sa trabaho, pagbigyan ang iyong luho. wala namang masama.
5. bilhin ang mga librong inasam mo noon pero dinadaan-daanan lang sa mga eskaparate ng national bookstore, goodwill o dymocks.
6. pag nakakita ng isang kaklase nung high school sa isang di inaasahang pagkakataon, ngumiti lang. pakiramdaman mo muna kung kilala ka pa 'no!
7. wag masyado isipin si mar roxas at mag-alala kung bakit sa kinahaba-haba ng roxas boulevard eh dadalawa lang ang banner nya, mangilan-ngilan ang mga posters...na yung iba nga eh tinakpan pa ni kim atienza ng poster nyang mala-cheshire cat ang ngiti nya.
8. isa sa pinakamasarap na feeling sa mundo ay ang ilatag ang lahat ng mga napagtripan mong bilhin na libro sa iyong kama. oweno ngayon kung hindi mo na halos mabasa ang mga ito,ang importante, visually satisfied ka. huling bilang ng mga librong binili in a span of two months: 132. oops, wag mag-alala, hindi mo naman kinurakot ang pinambili nyan. at masaya ka naman.
9. maging matapat. pag ayaw mo, sabihin mo.
10. habaan pa lalo ang pisi kahit napakatagal ng connection mo. kahit tipong maka-isang round ka muna ng punuan sa bingo bago makalipat sa kabilang page ang browser mo, okay lang. mas maraming tao ang miserable ang buhay.