pinagsamang nasasaloob nang martes at miyerkules
1. huwag maging madamot sa kapwa commuter. kapag nagbabasa ka ng book at nakikita mong medyo engrossed na din sya sa hawak mo, huwag paglaruan ang pages na tipong ililipat-lipat. mahahalata nya yun na pinaglalaruan mo sya kasi ayaw mo ng may ka-share sa pagbabasa.
2. wag na ding magbasa habang nasa kalye. may mga di gaanong kalalimang hukay sa ibang daan, lalo na diyan sa arquiza st., kung saan lulusot talaga ang paa mo kapag na-miss ng iyong paningin at hindi ka nakaiwas.
3. Hindi masarap ang lumamig na sinangag at boneless bangus. It's not everyday na may kaopisina kang maraming ulam (go, SeƱora!).
4. Photogenic pala ako basta digicam ang gamit. Nyorks.
5. Masarap tumawa.
6. Huwag susungitan ang mga demanding na namamalimos. Oo nga't illegal ang magbigay ng limos (hindi ba?), sabihin sa maayos na paraan ang, "Eh bakit hindi ka na lang magtrabaho? Maglabada?" Ano bang pakialam mo, ano?
7. Iwasang sumama ang loob. Lahat tayo ay may kanya-kanyang political preference. Kung maka-Mar Roxas ka, igalang ang ibang ayaw sa kandidato mo.
8. On the other hand, hindi kasalanan ni Mar Roxas kung mahal ang bilihin sa palengke. Kapag nga nanalo sya, susubukan nyang ayusin ang sistema sa palengke. Grabe, I'm getting tired of explaining this over and over to narrow-minded, uneducated morons like you! Kamag-anak ko pa naman ang iba sa inyo!!!
9. Huwag bibiglain ang bangon. Mahihilo ka talaga. And get rid of your childhood fear na pag nabigla ka ng bangon at tumingin ka sa kama eh andun pa din yung katawan mo at peacefully eh nakahiga at natutulog pa.
10. Masarap ang kombinasyong Yakult at Fudgee Bar sa umaga.
11. Pag sinabing lutuin ng 6-8 minutes, maniwala. Huwag magmarunong.