pagkakaiba daw ng mayaman sa mahirap
Kung mayaman ka, meron kang "allergy";
Kung mahirap ka, ang tawag dyan ay "galis" o "bakokang".
Sa mayaman, "nervous breakdown" dahil sa "tension and stress";
Sa mahirap, "sira ang ulo".
Sa mayamang "malikot ang kamay" ang tawag ay "kleptomaniac";
Sa mahirap, ang tawag ay "magnanakaw" o "kawatan".
Pag mayaman ka, you're "eccentric";
Kung mahirap ka, "may toyo ka sa ulo" o "may topak" o "may sayad".
Kung mayaman ka at sumakit ang ulo mo, ikaw ay may "migraine";
Kung mahirap ka naman at sumakit ang ulo mo, ikaw ay "nalipasan ng gutom".
Kung mayaman ka, you are referred to as someone who is "scoliotic";
Pero kung mahirap ka, ikaw ay "kuba".
Kung ang senorita mo ay maitim, ang tawag ay "morena" o "kayumanggi";
Pero kung isa kang domestic na maitim, ikaw ay "ita" o "negrita" o "baluga".
Kung nasa high society ka, you are called "slender" o balingkinitan";
Kung mahirap ka lang, you are plainly called "payatot" o "patpatin" o"ting-ting".
Kung nasa high society ka pa rin at ikaw ay maliit, ang tawag sa iyo ay"petite";
Kung mahirap ka lang, ikaw ay "pandak" o "bansot" o "unano" o "jabbar".
Kung socialite ka, ikaw ay "pleasingly plump";
Kapag mahirap ka at ika'y "mataba", "tabatsoy" o "lumba-lumba", pag minamalas ka, "baboy".
Kung well-off ka, at date ka rito, date ka roon, ang tawag sa iyo ay "game";
Kung mahirap ka ikaw ay "pakawala".
Kung mayamang alembong ka ang tawag sa iyo ay "liberated";
Pero kung isa kang dukha ang tawag sa iyo "malandi".
Kung may pera ka ang tawag sa iyo "single parent";
Pero kung wala kang trabaho ang tawag sa iyo "disgrasyada".
Health conscious ang tawag sa mayayamang puro gulay ang kinakain;
Habang kakaawa ang mahirap na kumakain ng ganito.
Sa exclusive school, "assertive" ang mga batang sumasagot sa mga guro;
Pero pag ang mga mahihirap na bata ang sumasagot sa mga guro, ang tawag sa kanila ay "walang hiya".
Ang mayamang tumatanda, "are graduating gracefully into senior citizenhood";
Ang mga mahihirap ay "gumugurang".
Ang anak ng mayaman ay "slow learner";
Ang anak ng mahirap ay "bobo" o "gunggong".
Kung mayaman ka at marami kang kumain, you flatter your host who says,"masarap kang kumain and I like you, you do justice to my cooking";
Kung ghastly peasant ka eating the same amount in the same house, your host will say to himself na ikaw ay "patay-gutom" o "hampaslupa" o "masiba".
Kung boss ka at binabasa mo ito sa PC mo, "okay lang";
Pero kung ikaw ay hamak na empleyado lamang, ikaw ay "nagbubulakbol".