peyups quiz
ANO'NG STUDENT NUMBER MO? 98- *5*3*
NAKAPASA KA BA OR WAITLISTED? - pasado.
PAANO MO NALAMAN ANG ENTRANCE EXAM RESULT? - natanggap yung sulat, ang chaka pa nga ng envelop nun eh, yung obvious na murang papel. haha. pero before that, a highschool friend who's a year ahead na andun na relayed it to me
FIRST CHOICE MO BA ANG UP? - yes. at kung hindi ako pumasa, sa la salle ako dahil dun lang ang kinunan ko ng entrance exam.
ALAM MO BA ANG UPG SCORE MO? - yep.
ANO ANG FIRST CHOICE MO NA COURSE? - believe it or not, BA OrCom
SECOND CHOICE? - BS Comp Sci
ANO naging COURSE MO? - BA Organizational Communication
NAGPLANO KA BANG MAG-SHIFT? hindi.
NAKAPAG-DORM KA NA BA? - hindi rin. at ayoko noh.
NAKA UNO KA NA BA? - oo naman, hehe.
NAGKA-3? - ay wala. pinakamababa ang 2.75. worse, hindi sya sa Math 1, Math 11 o Nat Sci. PE. anak ng patola.
HIGHEST GRADE: 1.0
LOWEST: 2.75
WORST EXPERIENCE SA UP: yung nagka-problema kay what's-her-name instructor sa isang elective project. kung di yon nahabol, lagot, hindi ako gagraduate on time. to think hindi sya major subject. whew.
LAGI KA BANG PUMAPASOK SA KLASE? gusto mo yung totoo? wag na.
ANO'NG ORG MO? OrComSoc, JMA, dati nag-Kule ako...naku lutang kasi ako nung college eh. as in hindi umikot ang mundo ko sa bahaging yun ng buhay ko, di tulad ng ibang tao.
MAY SCHOLARSHIP KA BA? - STFAP
PINANGARAP MO BANG MAG-CUM LAUDE? kung kaya. kaso kapos. 0.0016 lang. pero hayaan mo na. okay na ako ngayon.
KELAN KA NAGTAPOS? 2002
FAVE PROF: Dr. Angela Sarile. Enough said. Atsaka si Prof. Bernard Karganilla. Si Prof. Teresita Vaquer din. At pwede na rin si Vivencio Nuestro...astig...ang friend ni Goma. Bwahahaha!!
WORST TEACHER: nakupo...si J.D., L.V., D.A.
FAVE SUBJECT: OrCom 101, OrCom 143, yung tinuro ni Kargs, ni Mangubs, kay Sir Bobby Tuazon (Consular and Diplomatic Practice!)...actually madami except nung mga GE subjects pa lang kinukuha ko. hehe.
WORST SUBJECT: Comm II? kawalng gana kasi nakahiwalay kami sa block.
FAVE LANDMARK: Rob Ermita. haha.
BUILDING: GAB. Hmmm.
PABORITONG KAINAN: foodcourt ng Rob sabay gawa ng project. canteen ng Supreme Court, na sa Berlin Gate ka dadaan.
Noong ESTUDYANTE KA PA MAGKANO BA ANG BINABAYAD MO SA JEEP? ewan. 3.50?
LAGI KA BA SA LIB? ay oo. minsan natutulog kami ni Bam pero madalas nagbabasa tlaga ako.
NAGPUNTA KA BA SA CLINIC NUNG MINSANG NAGKASAKIT KA? me clinic ba sa up manila? ay meron. isang malaking ospital na PGH ang pangalan. hahaha. pero sa UP Health Service, pumupunta lang ako pag medical exam bago matapos ang school year.
MAY CRUSH KA BA SA CAMPUS? oo si "goosebumps". actually his name escapers me now.
BF: hindi taga-UP. taga-kabila. (NBI? hahahaha!!!)
MAY BALAK KA BA MAG-MASTERS O MAG-PHD? oo, next March eenroll na ako.
ANU-ANO ANG MGA NAGING PE MO? fencing, swimming, general P.E. (ewan kung ano yun, basta takbo lang kami ng takbo sa buong SWC na minsan dinadaya namin, tas last badminton)
KAMUSTA NAMAN ANG BLOCK NYO? ok lang. masaya. makulit.
NAKAPANOOD KA NA BA NG GRADUATION SA UP? yung amin. na hindi ko tinapos. gutom na kami eh.
MEMORIZE MO BA ANG ALMA MATER SONG? uhm...hindi.
MEMBER KA BA NG UP VARSITY TEAM? ano ba namang tanong yan. walang kinukuha sa UP manila para dyan eh.
NAKA-PERFECT KA NA BA NG EXAM? meron naman.
ANO'NG AYAW MO SA FINALS WEEK? yung ngarag feeling pati regret na bakit may nakaukit na procrastinator sa noo ko.
DITO KA BA NATUTONG UMINOM NG BEER? hindi. wholesome barkada ko eh.
ANO'NG GUSTO MO SA UP? unconventional kasi dito. walang pakialam kung ano o sino ka, basta pumasok ka dala ang tunay na ikaw, pasok ka.
ANO'NG AYAW MO? mga CR.
MAGANDA BA ID PIC MO? oo. ahehe. kaso naiwan na sa PLDT office yun dahil yun ang first job interview ko 3 days after graduation. hindi ko tinaanggap ang trabaho kaya iniwan ko na lang ID ko para remembrance nila sa akin (actually naiwean ko, hehe).
MAY GINAWA KA NA BANG ILLEGAL SA LOOB NG CAMPUS? hmmm. sa library meron. sa GAB, meron. hahaha!!!