Thursday, March 10

Hay naku. Ako, wala talaga akong contentment sa buhay. Laging may complaint. To think hindi naman siguro ganun ka-valid yung mga pinoproblema ko. Yung feeling ba na confused ka pero hindi naman. Iniisip ko lang kasing confused ako. Hmph.

Basta nakalutang lang siguro ako ngayon. Yung parang araw araw, ganun lang. Yung tipo ng employee na "What, it's only 3 o'clock?" kesa sa "What, it's already 3 o'clock?". May malaking difference nga naman. Pag tinanong ako kung masaya ba ako o kung ano ang gusto kong gawin, wala akong maisasagot na concrete. Clueless din, kumbaga. Basta yung feeling nga lang na nakalutang. This is no attempt to any form of self-deprecation pero eto lang ang kaya kong isagot sa mga tanong na ganun.

Sabi nila, dapat daw iibahin mo ang perspective ko sa buhay. Focus. Yung mga "Love yourself" crap na hindi ko malaman kung pano ba gawin kasi feeling ko mahal ko naman ang sarili ko. Tipong, I buy whatever I want kung kaya din lang ng aking meager salary. Ako nasusunod kung san ako kakain o kung uuwi na ba ako o ano gagawin ko pagdating ng house. Di ba mahal mo na sarili mo pag ganun?

Hay naku, I can't afford to do this long enough.

AT!!!!!

Ang tag-board, two days na ring down. Kaya nga ako mag-switch from doodle board eh. Ano ba naman.

Akala dito sa office talagang head over heels in love ako kay Mar Roxas. Bwahahahaha! Konti lang. Hehe. Pero iba talaga nagmamay-ari ng puso ko. Weehee. Three letters din yung nickname nya. Wahu, how's that for a give away?