Wednesday, July 13

poor feet, poor posture, poor health


ang aga ng uwian namin. just when i was in the mood to work, bigla ba namang nagpauwi ng alas-tres ng hapon dahil sa gimik ng ilang libong tao sa ayala (napaka-politically incorrect naman ata nun, tsk).
kagulat-gulat na kung kailan ka maraming oras para mag-lamiyerda eh wala ka namang maisip na gawin. kung bakit kasi ayaw ko mag-sasakyan. sa totoo lang ,halos linggo-linggo, topic namin ng daddy ko kung kelan ako magdadala ng sasakyan. ayoko kasi dahil madali akong mataranta at feeling ko mamamatay ako pag nagmaneho ako kahit sa taft avenue lang. seriously.
anyway, walang kumagat sa invitation kong pumunta sa CCP para sa cinemalaya dahil nga uwian na raw ng alas-tres. hmph. siguro, madali para sa akin ang magdesisyon ng lakad na ganun dahil malapit lang ang tirahan ko. for sure, kung sa cubao o sa eastwood nag-aya ang mga iyon, natural hindi rin ako sasama. sige na nga.
ang press release ko eh tatambay na lang ako sa national bookstore at magkakape pero pag-akyat ko ng escalator, dire-diretso na ako sa cinema 4 ng robinson's place para manood ng pinoy blonde.
on time ako dumating at grabe, wala pa kaming dalawampu sa loob. yung dalawa pang tao sa harap ko, di pa ata tapos yung opening credits eh naglalampungan na two rows down from where i was. hindi mo maiiwasang hindi tumingin dahil iilan na nga lang kami tapos kalinya ko pa sila. di na sapat ang "get a room" doon sa mga ganun, dapat yun winiwisikan na ng holy water! hindi naman ako nagpapaipokrita pero wag namang ganun. tsk. hay naku, sino ba hindi maiiskandalo na ginagawang dough sa bakery nung lalaki yung dibdib ng girlfriend nya at bumababa talaga yung babae dun sa lalaki. at naka-uniform pa yung babae ha! nakakahiya sa university mo, iha. nagkakatinginan nga kami nung isang nasa kabilang bahagi nung sinehan eh. kitang kita ko sa mata nya na gusto na nya balibagin ng payong yung 2 kaya lang namayani ang decency naming lahat kaya nanood na lang kami ng palabas.
maganda ang pinoy blonde. kung katulad ka ng mommy ko na typical at unadventurous movie-goer, wag nyo ng asahan na magugustuhan ang movie na ito. sabagay, basa blurb naman nito na hindi ito ang ordinaryong pelikulang pinoy. naaliw ako sa kanya; mahirap ipaliwanag kung anong meron ito kasi napaka-vague ng standard ng ano ba tlaga ang isang magandang pelikula. subjective yan eh, dun na lang siguro tayo magtapos.
ang moral sa akin ng pinoy blonde ay ang katotohanang lahat tayo ay gumagawa ng pelikulang ating buhay. marami sa ating mga desisyon ang sarili nating gawa ang script. pero di tulad ng pelikula, mahirap ang paulit-ulit na take at abrupt na pag-cut. bisitahin ang website ng pinoy blonde at basahin nyo doon yung synopsis. pero hindi pa rin yung ang maeexpect nyo lang sa movie. basta naaliw ako, lalo na sa pag-quote ng maraming pelikula, at mga cameos, ang pregnancy test ni "kris aquino", ang pink na pang-spray sa building, at ang title ng post na ito (for sure, nag-scroll ka pataas para tignan yung title, ahooo)!
bukas, harinawa eh sumama si lalaine para sa cinemalaya.
at sino nga ba ang pinakamagaling na direktor, si brocka o si bernal? ang inclinations ko ay na kay bernal. saka na tayo mag-debate tungkol dito.
~
ito na lang ang magagawa kong sakripisyo sa bayan ko. tangkilikin ang mga gawang pilipino at di na dumagdag pa sa kaguluhan at batuhan ng iba't ibang opinyon na kung lilimiin mo eh hindi naman tlaga nasasagot ang problema. marami dyan eh yung makapag-teorya lang, kahit ano sasabihin. classic "masabi lang". walang magbabago kung puro galit at paghihiganti ang iniisip ng tao. oo nga at may layuning magbago, pero kung andun at nakatabi sa isang sulok ng puso ang "papatunayan ko sa iyong mali ka at tama ako!", walang mangyayari. believe me.