handa na ba kayo?
so goes a popular tag line for a sunday show.
see, i am generally happy with my life. sometimes though, in very rare moments, i try to assess what's happening to the people around me with regard to their lovelives (or lack of it). through it all, i can say that yes, affirming what many of my taggers/friends told me, i just love the idea of loving. pero tanungin mo ako kung handa na ba ako, baka hindi muna kita masagot.
one of my closest friends has gone through a rough patch with her boyfriend today. nasabi nya na siguro nga tama daw na tumigil muna syang paikutin ang mundo nya sa "kanya" at mahalin naman ang sarili nya. it got me thinking, ganun ba talaga pag nagmamahal? nagmahal na rin naman ako---or so i thought---pero parang nafeel ko na may natira pa naman para sa akin.
natanong ko tuloy ang katabi ko, manifestation ba ito ng paano ako pag nagmahal? ang sagot niya, "hindi mo pa lang nararanasan kasi yung magmahal tlaga."
ngayon may mahal ako pero pag nanonood ako ng favorite kong palabas, nagbabasa ng libro (o kahit nga nasa bookstore lang, oh grabe), doon ko feel na feel na mahal na mahal ko ang sarili ko. parang wala akong pakialam. natitiis ko yung mga bagay at taong oo, mahalaga sa akin, pero not as valuable as the things that really makes not just me, but my soul, happy. <-- subject of debate yang sentence na yan pero let's leave it at that.
in a nutshell, ako siguro ay isang fanatic ng compromise kapag nagmahal. ayokong magsalita ng tapos pero nararamdaman ko yan. as much as i want to declare na pag nagmahal ako, ibibigay ko lahat lahat, gagawin ko lahat, sasama ako kahit saan basta kasama ang mahal ko...engg....parang hindi ko kayang sabihin ng hindi nasasamid. ang kailangan ko ngayon, lalaking ganoon din o yung milya milya ang pang-unawa...
...o siguro nga kasi hindi ko pa lang nararanasan yung magmahal talaga. yung meron ako ngayon, who am i to confirm that this is love? well, in the first place, hindi kasi ako masyado sa idea na ang love only becomes love pag nareciprocate. hindi ako blackmailer o mapilit. anyway, i digress. fascination lang ito siguro in a much higher degree. maybe it will become love kapag naramdaman ko na yung standards ko namimeet na. yung mga ugali, yung gestures na may kurot sa puso pag ginawa sa iyo, those are the things you feel na parang najojolt ka na ,"this is a sign". tapos pag hindi nasustain, eh di hindi pala yon.
sa ngayon no one probably touches my heart that much to make me confidently say na i am in love...but there's someone who, on the other hand, tickles my heart in little ways na akala ko siguro love na rin. sino bang pwedeng mag-confirm noon, na of authority tlaga? wala di ba?
atsaka yung classic na tanong na handa ka na ba...yun ang issue eh. parang kaya lang masarap sa pakiramdam at nakakakilig kasi nandoon sa phase na touch and go. pag nandoon na, o paano na? this is not to say na i have nothing to offer. i would like to think i really go out of my way to please my man, in all ways i can, and in all ways that he needs me. yung right moment lang siguro, wala pa. (leche kasing moment yan eh)
so sa ngayon, kahit nga cliché, tara let's enjoy the times muna. and to my friend whose heart got hurt today, tandaan mo, you just have a big heart capable of loving yourself and your man, and other people around you all at the same time kaya wala kang maling ginawa. at uulitin ko, if i am half as good as you in showing people how much you care, i may not be loving in silence until now.
(ayun, nakuha ko ang iniisip kong term. sobra akong ma-pride. ayoko ng wala sa akin ang huling hirit. kailangan sa usapan, ako ang may huling sinabi. madali akong mag-isip na iniisip ng iba na cheap ako kahit hindi naman. takot ako palagi mareject, at kung mareject man, i will do everything to make sure it will not appear that way. ang salbahe ko pala. tsk. kaya siguro minsan malungkot ako.)