Monday, October 24

hindi ako matalino pero nagtataka ako bakit may mga nilalang na ang lakas ng loob magpakita ng pagmumukha sa mundong ibabaw kahit saksakan ng tanga.

yan na nga ba ang sinasabi ko eh. okay na akong ganito, pangit at mataba (galing mismo sa bibig nya). dahil kung ganun ako kaganda at kasexy tapos ganun ang utak ko, nakupo, hindi na.

yan ang mga tipo ng taong tinatanong kung ano bang nakain nya sa canteen sa eskwela at naging ganyan naman sya kabobo.

hay naku, buhay. pag wala na silang maisagot sa isyung bobo sila, babalikan ka na naiinggit ka daw sa kanila. excuse me. kailanman ay hindi ako nainggit sa taong ilang ulit na eh, tlagang ang bigkas pala nya sa believe ay "bilev" (at napakarami pang pang-guiness book of world records na off-tangent na pronunciation at reasoning. threatened na nga sina melanie marquez at alma moreno, maging si erap.)

lunes na lunes ha. nakuuuu.