tingnan mo itong mga ito.
nakapanliliit magbasa ng sandamakmak na blogsites tungkol kina leandro aragoncillo at michael ray aquino. tipong sa bawat pangungusap na kakabit ang salitang "filipino" na ginagamit bilang pang-uri sa kanila, napapailing ka.
sa bawat pinagtatrabahuhan naman meron talagang potesyal na 'bulok' na kasama. ang siste lang dito, ginawa sa luklukan ng pangulo ng pinakamakapangyarihang bansa (or so they said) sa mundo. sabi nga sa radyo, kahit daw personal recipe lang ng sinigang ni bush ang nadownload at inemail mula sa white house, mali pa rin yon. tapos ngayon, kaladkad ang kapakanan at kredibilidad ng ilang taong kapareho ng pinagmulan, pero nagtatrabaho ng maayos.
sinasabi ko ito bilang empleyado rin ng gobyerno ng estados unidos. nakakagago kasi. habang ikaw ay ingat na ingat na madungisan ang iyong paglilingkod, kumikita ng pera sa disenteng paraan, eto at may mga taong gagawa ng ganito na hanggang ngayon eh hindi pa rin malinaw ang motivation. maliban siguro sa pangako ng kapangyarihan na tunay na lalamunin ang iyong kaluluwa.
marahil dalawa lamang sa marami pa sina aragoncillo at aquino pero sa lagay na ito, dapat tlaga kung saan ka nagtatrabaho, sa opisina man ng united nations o sa carinderia ni roma, gumawa ka ng marangal na trabaho. sa panahon ngayon ng lintikan na tlaga ang mga "cover your ass" na bahagi ng defensive mechanism, pagkatapos ng bawat araw, kung malinis ang konsensya mo, hindi ka pwedeng ipagkanulo ng iba. kahit pa sabihing ikaw ay imamanipula at idadawit ng wala kang laban, iba ang taong malinis ang konsensya. ang karma ngayon ay mabilis kaya hindi ko maisip kung bakit mas marami pa ngayon ang pinipiling pangatawanan ng pilit ang maling gawa, sa halip na sa una pa lang ay gumawa na ng tama.
ang mundo, nakakaloka na talaga.