kawawa naman ang mga lalaki
kapag tapos na ang trabaho, bukod sa ginagawang laughingstock ang iba naming matatandang kasamahan, past time din ng mga kaopisina ko ang mag-usap tungkol sa buhay.
ngayon pag-ibig ang pinag-uusapan. pag-aasawa. kung paanong hindi dapat magtiwala sa mga lalaki.
sa ngayon nag-uusap, isang hiwalay sa asawa, isang bakla, isang single, at isang cynic sa pag-aasawa at sa mga lalaki in general. hindi pa kami kasali ni Esther dyan, isang masayang nagmamahal at isang single.
si Pong, ang cynic, ang bangka ngayon. nakakaaliw sya. wala syang tiwala sa lalaki, at pwede syang speaker ng mga feminist movement. ako, hindi rin ako ang tipong magpapasakop sa asawa, pero minsan iisipin mo, nasa Bible yon, na ang babae ay magpapasakop sa asawang lalaki.
ang punto lang ni Pong, huwag natin ibigay lahat pag nagmahal. be as random as possible. and she's speaking as someone na may multiple men hovering her, na ayaw man lang magbigay. sa totoo lang, bilib ako dito eh. nakikita kong mas mahal sya ng mga boylet nya pero sya mahigpit ang hawak sa sarili nya. samantalang ako...kami...oh well.
naisip ko na lang hindi ako handa magmahal. hindi nga siguro talaga. isipin mo, kung nakuha ko yung gusto ko, handa ba akong mag-adjust, maghintay, magbigay, umintindi, magpigil ng selos sa lahat ng mga di nya mapipigilang maka-daupang palad dala ng trabaho?
mukhang hindi pa nga.
pero sa kabilang banda, lalo na ngayon at nakikinig ka sa mga ubod ng sentimental na rendition ni lea salonga ng "sana ngayong pasko", ikaw, ano ang mararamdaman mo?
naku, masalimuot na usapin. icebreaker lang ito sa tunay na kinakaharap kong dapat madesisyunan ko sa lalong madaling panahon. sa ibang entry ko na lang sasabihin, seryoso yun eh, tungkol sa trabaho, na pihadong mas boring kesa sa mga ganitong entry na tungkol sa pag-ibig.
haha, hanggang ngayon na nagtatype ako, kawawa tlaga ang mga lalaki sa usaping ito. ipagtanggol nyo naman ang sarili nyo!!! baka masyado akong madala ng ineespouse na plataporma nito, baka pag naging boyfriend ko na ang kung sinuman eh maglokohan lang kami.
oh well, hindi ko rin masabi.
obvious ba wala akong magawa? nasa office pa ako nito ha. naghihintay ng abiso kung papakainin ba kami pagkatapos ng reception sa kabilang opisina.
sa ngayon, yung separada nagrerecount na ng travails ng isang hiwalay sa asawa, kung paano kawalang kuwenta ang asawa nya, at lalo na gaano kababa ng pagkatao ng sinamahan ng asawa nya (bale opinyon ko lang yon lahat).
kung magkaka-asawa ako at maghihiwalay kami, aba lalo nat hindi ko kayang buhayin ang anak ko mag-isa, at maganda ang trabaho mo, hindi dapat na kung anu-anong alibi ang gawin para di ka magbigay ng sustento. tipong kung gusto mong buhayin ang bago mong asawa, hindi ko na problema kung saang kamay ng demonyo mo kukunin ang pangbuhay sa kanya. basta buhayin mo yung anak mo. ganyan ang problema nitong nagkukuwento ngayon. ang problema, napakabait nya. kahit hirap na hirap na sya. samantalang yung dati nyang asawa, pilit na sumasabay sa sa lifestyle ng bagong kinakasama na nung nakuha nya eh may dalawa na rin anak at maykaya kaya ayan, tulo na uhog kaka-dahilan kung bakit di makapagbigay buwan buwan ng sustento. walang balls tlaga.
hay, saka na nga lang ito.
uulitin ko, ang mundo nakakaloka na talaga.